hey z!
sencia na wala me makita exact map.
eto na lang directions.
from guadalupe makati me jeep sa likod ng palengke byaheng pateros.
me pila sya, sabihin mo baba sa buting. bale kanto sya ng jp rizal ext at kalayaan ave...
not too sure abt the street. then left side lakad kayo pa-palengke
hanapin nyo yung baliwag lechon something...

ang exact address netong baliwag ay 61 San Guillermo Ave., Buting, Pasig City
tapos from there, makikita nyo na mga punks, lam nyo na!
pag wala makita na pwede tanungan or shy kayo, text nyo na lang
tong #0906-478-3027. indicate nyo na lang sa text nyo tong details:
name: pwede nickname
dress: ano suot nyo para makilala
expectations: gutom ba kayo gusto nyo na kumain? gusto nyo na magsimula na agad pagdating nyo, gusto nyo kape pampagising, or kaka-hitch nyo lang gusto nyo mag-shower muna para fresh, or mejo pagod sa lakad/byahe/pagod/puyat at gusto nyo hot towel o foot spa...para naman alam namin
kung pano kayo i-estamahin di ba?
tapos susunduin na lang kayo from baliwag. please HUWAG kayong bibili ng manok!
hindi nyo makakain yun pramis! baka hindi na rin makapag reply pag naubusan ng load,
so wag mainis kung 5mins na waiting eh wala pa sundo. pramis, malapit lang sya
from there.
tapos, reminder. benefit po sya. me cause na makatulong sa nasalanta sa Haiti...
so ibig sabihin, kahit P20 - 1K sana me dala kayo, saka nyo na problemahin
yung booze/drinks/chibog, pramis ulet marami dun.
sana makatulong po tong direction, uulitin ko po pateros ang sakyan, wag yung iba.
hindi kasi sila dadaan ng buting. kung car naman, siguro drive lang pa-kalayaan from edsa
then ask mmda saan ang buting then kung saan yung palengke o baliwag lechon, lam na yun!
yun nga lang walang parking dun. same with taxi siguro. from buting, huwag na mag tricycle,
1 block lang un, less than 3mins walking sayang pamasahe. sa mga magba bike, same thing
sa kanto, text then sundo namin kayo.
hey z! hope to see you there! finally makikita na rin kita papa z! sana sama mo si mami O
at mari-O!
kitakits taragis!